Madalas na nating marinig noon pa man na ang mundo ng showbiz ay talagang maingay, magulo, at masalimuot. Talaga namang maraming mga bagay ang maaari mong maranasan kung ikaw ay nagtatrabaho sa industriyang ito.
Ngunit gaano man kagulo ang mundo na ito ay marami pa rin naman tayong natutunan sa mga personalidad na madalas nating iniidolo. Halimbawa na lamang ang post ni Diego Loyzaga kamakailan lamang.
Matagal nang may hindi sila pagkakaunawaan ng kaniyang ama na si Cesar Montano, ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi niya muling buksan ang kaniyang puso para sa batikang aktor. Nagbahagi ng ilang larawan si Diego kamakailan lamang kung saan makikitang nakabonding niya ang kaniyang ama.
Makalipas ang pitong taong hindi nila pag-uusap ay nagkasama na rin sila sa wakas. Marami ang natuwa at talaga namang nagsilbi rin silang inspirasyon sa mas maraming mga pamilyang Pilipino na nasa katulad din nilang sitwasyon.
Maraming mga netizens din ang nakapansin sa mga binitawang salita ni Diego sa kaniyang post.
“7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would. One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today.” Pagkukwento ni Diego.
“Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world’s problems. Just peace and love and nothing else matters.” Dagdag pa niya.
Tunay nga na kahit papaano ay nasa mas mabuti nang kalagayan ngayon ang mag-ama. Marami din ang pumuri sa nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga dahil sa mabuting pagpapalaki nito sa kanilang anak.
Your article helped me a lot, is there any more related content? Thanks!
Thank you for your sharing. I am worried that I lack creative ideas. It is your article that makes me full of hope. Thank you. But, I have a question, can you help me?
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me.
I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article.