Hindi madali ang mag-alaga ng hayop. Kailangan kasi ay talagang desidido ka at kaya mong maglaan ng oras at panahon para sa mga ito.
Kailangan nila ng pagkalinga at pagmamahal mula sa atin. Hindi na rin naman nakapagtataka na marami sa atin ngayon ang mayroong isa o higit pang alagang hayop o pet sa kanilang mga bahay.
Ang mga ito ay talagang itinuturing na nating parte ng ating pamilya. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit hindi nagdalawang-isip ang isang binatilyong ito na lumusong sa sapa mailigtas lamang ang buhay ng isang asong na-trap dito.
Ayon sa ilang mga ulat, patungong palengke si Nini Ragos nang bigla na lamang niyang nakita ang isang kawawang aso na nasa gitna ng sapa at lubog sa tubig na tila ba malulunod na. Hindi ito makagalaw o makalayo man lamang sa kaniyang kinalalagyan.
Agad namang humingi ng saklolo si Nini sa binatilyong dumaan sa kaniyang harapan na kung maaari ay iligtas ang kawawang aso. Sinubukan din ng binatilyong humingi pa sana ng tulong sa ibang mga dumaraan ngunit walang may nais na sumama sa kaniya ay sumaklolo sa aso.
Kung kaya naman agad na siyang bumaba sa matarik at delikadong sapa upang siya na mismo ang tumulong dito. Agad niyang kinuha ang nanginginig nang aso at sa tulong ni Nini at iba pang mga taong naroroon ay naisakay nila ang aso sa isang basket na may tali.
Ligtas din namang nakabalik ang binatilyo. Ayon sa ilang mga tao sa lugar, ang amo ng naturang aso ay wala sa kanilang tahanan ngayon at ibinilin din daw ang aso sa kanilang kapitbahay.
Mayroon ding mga munting anak ang aso na sa kaniya pa rin dumedede kung kaya naman malaking bagay pa rin ang pagkakasagip sa inahing aso. May bali rin daw ang bandang likuran nito ngunit mayroon nang mga doktor na umaasikaso sa kaniya.
Wala mang gana kumain sa ngayon ang aso ay tiyak na gagaling din ito dahil sa ginawang pagsagip sa kaniya ng hindi pa nakikilalang binatilyo.
Your point of view caught my eye and was very interesting. Thanks. I have a question for you.
I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article.
I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article.
I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article.