Siguro marami sa atin ang talagang naranasan ding magrebelde noon sa ating mga magulang. Kung noong mga bata pa tayo o nagdadalaga at nagbibinata, madalas nating akalain na wala nang ibang ginawa ang ating mga magulang kundi tayo ay hadlangan sa mga bagay na gusto natin, ngayong tayo ay mas naging “mature” na tiyak na alam na natin kung bakit ganoon na lamang ang kanilang pag-aalala at pagmamalasakit sa atin.
Napakasarap sa pakiramdam na mayroong mga magulang na sumusuporta at nagmamahal sa iyo. Hindi lahat ng anak ay nabiyayaan ng mapagmahal na mga magulang. Batid naman nating lahat na walang perpektong tao, walang perpektong magulang, ngunit talagang ginagawa nila ang lahat para sa kanilang mga anak.
Kamakailan lamang ay talagang kumurot sa puso ng publiko ang kwento ng mag-ina na ito mula sa Cebu. Dahil na rin sa pandemya ay ilang taon ding naantala ang pagkakaroon ng Regionalized Bar Exam sa buong bansa kung kaya naman ngayon na lamang ito sinimulang muli.
Isang miyembro ng “Board of the IBP” sa Cebu ang nagbahagi ng ilang mga larawan ng mag-inang ito na talagang umantig din sa kaniyang damdamin. Hindi raw niya kasi mapigilang maalala ang mga sandaling ginawa rin ito sa kaniya ng kaniyang magulang.
Makikita ang isang mag-ina na tila nagpapaalam sa isa’t-isa para sa huling araw ng bar exam. Makikita ang pagyakap ng ina sa kaniyang anak ng mahigpit at ang pag cheer nito sa kaniyang anak na tila ba pupunta sa isang labanan.
Makikita ding todo thumbs up ang ina sa kaniyang anak na ng mga oras na iyon ay papalayo na sa kaniya upang tuparin ang isa sa kaniyang mga pangarap, ang makapasa sa bar exam. Hindi biro ang pinagdaraanan ng mga estudyante sa pag-abot nilang ito sa kanilang mga pangarap.
Ngunit maging ang ating mga pinakamamahal na mga magulang ay talagang naghihirap at nagpapakasigasig din naman. Napakagandang pagmasdan ang pagmamahalan ng mag-inang ito na tiyak na magbibigay din ng inspirasyon sa mas maraming mga pamilyang Pilipino.
I don’t think the title of your article matches the content lol. Just kidding, mainly because I had some doubts after reading the article.
Your article helped me a lot, is there any more related content? Thanks!
Your point of view caught my eye and was very interesting. Thanks. I have a question for you.
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me.
Can you be more specific about the content of your article? After reading it, I still have some doubts. Hope you can help me.
Your article helped me a lot, is there any more related content? Thanks! https://accounts.binance.com/si-LK/register?ref=V2H9AFPY
Your article helped me a lot, is there any more related content? Thanks!
Thank you for your sharing. I am worried that I lack creative ideas. It is your article that makes me full of hope. Thank you. But, I have a question, can you help me?